By Ellen Tordesillas
May 22, 2009
Sa aking pag-uusap sa marami sa mga batang opisyal ng military na nakasama sa grupong Magdalo, nakikita ko and sinsero nilang pagmamahal sa bayan.
Napansin ko rin na malawak silang mag-isip at matatalino sila. Maari sigurong sabihin natin na nagkulang sila sa aspeto ng operasyon sa kanilang ginawang panindigan laban sa administrasyong Arroyo, ngunit handa silang magsakripisyo para sa ina-akala nilang tama.
Hindi naman lahat. Dahil mayroon din naman mga bumaligtad at mukhang namang ina-alagaan sila ng husto ng pamahalaang Arroyo.
Anim na taon na sila nakakulung at nakakahanga dahil buong-buo pa rin ang kanilang ideyalismo at interes para sa bayan. Hindi lang sa kanilang sarili.
Marami silang natutunan sa anim na taon na ito at iyon aygumagabay sa kanila a kanilang mga plano at Gawain. Isa na doon ang pagpalawak ng Samahang Magdalo para makasaliang hindi miyembro ng military.
Ang suporta na pinakita ng sambayanan kay Senador Trillanes noong nakaraang eleksyon ay nag-inspire sa ilan pang Magdalo officers na maninilbihan sa bayan sa paraan ng elected positions. Ang isa nilang panngunahin na programa ay labanan ang corruption sa pamahalaan. Kaya itong nakaraang eleksyon, nagparehistro ang ilan sa kanila sa kani-kanilang bayan bilang preparasyon sa kanilang kandidatura sa may 2010 na eleksyon.
Si Marine Capt. Gary Alejano ay tatakbong mayor sa Sipalay, Negros Occidental. Si Capt. James Layug ay tatakbo sa Taguig. Hindi ako sigurado kung mayor o congressman. Si Ashley Acedillo ay plano ring tumakbo sa Cebu.
Kaya nakakatawa ang balita noong isang araw na may nahuli raw na anim na Magdalo na tini-traning dawn g isang New Zealander at isang Australiano para itakas raw si Sen. Trillanes, Brig. Gen. Danny Lim at iba pang Magdalo officers sa kanilang kulungan sa Camp Crame.
Lumabas na pakulo lang pala yun ni Mariano “Bong” Villafuerte, executive director ng Presidential Anti-Organized Crime Commission. Anak siya ni Rep. Luis Villafuerte na nagsusulong ngayon ng charter change para mapalawig si Gloria Arroyo sa kapangyarihan.
Isa lang ang Magdalo doon sa anim na nagti-training para sa trabaho sa Afghanistan na mag-bigay ng security sa mga pribadong kumpanya na nagsi-serbisyo sa mga US military at kaalyado.
Interesado pala si Villafuerte sa lokasyon ng firing range kung saan nagti-training ang anim dahil meron din siyang kaparehong negosyo.
Sabi nga ni Tongue Twisted sa aking blog: “Kailangan pa ba ng anim na Magdalo para ilabas sila Trillanes at Lim sa kulungan? Magchacha via con-ass lang, siguradong yung bantay mismo ang magpapakawala sa lahat ng nakakulong.
“Gusto nilang subukan?”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


1 comments:
Si Bong Villafuerte and hari. Itanong nyo sa crame at sa aguinaldo. Kahit hepe ng PNP tawag sa kanya SB - sir bong. may sarili itong private army at akala mo palagi sasabak sa giyera. o, laban kayo?
Post a Comment