Sa Lahat ng Patriotikong Pilipino,

Sa tulong ng Maykapal ay matagumpay nating napagkaisa ang ating mga diwa at adhikain para sa bayan. Ito ay sa kabila ng pisikal na limitasyon na idinulot ng pagkakakulong sa atin.
Sa tibay ng ating nabuong paninindigan, walang nagawa ang pulitikang tradisyunal upang supilin ang rumaragasang boses ng tunay na pagbabago.
Ang tagumpay natin sa nakaraang halalan ay indikasyon ng lumalawak na hanay ng mga mamamayang naghahangad ng kalayaan mula sa katiwalian at kahirapan. Higit silang mapangahas at matapang para sa ikabubuti ng bayan.
Umasa kayo na gagawin natin ang lahat upang hindi masayang ang paghalal sa atin bilang kinatawan ng mamamayan sa Senado, nakakulong man tayo o hindi.
Hinihiling ko na ipagpatuloy natin ang ating nabuong pagsama-sama at maging aking katuwang sa pagganap ng bago kong tungkulin sa bayan.
Maraming salamat sa inyong tiwala at pakikipagisa...
Mabuhay ang Inang Bayan!
Nagpupugay,
Antonio F Trillanes IV
0 comments:
Post a Comment